Exodus 40

“Ilagay mo ang altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog sa harapan ng pintuan ng Tabernakulo ng Toldang Tipanan.

Exodus 40:6 (UKJV) And you shall set the altar of the burnt offering before the door of the tabernacle of the tent of the congregation.

4Ipasok mo ang mesa sa Tolda at ayusin mo ang mga kagamitan nito. Ipasok mo rin ang mga ilawan at ilagay ang mga ilaw nito.

5Ilagay mo ang gintong altar na pagsusunugan ng insenso sa harap ng Kahon ng Kasunduan, at ikabit ang kurtina sa pintuan ng Tolda.

6“Ilagay mo ang altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog sa harapan ng pintuan ng Tabernakulo ng Toldang Tipanan.

7Ang planggana ay ilagay sa pagitan ng Tolda at ng altar, at lagyan ito ng tubig.

8Ilagay ang mga kurtina sa bakuran ng Tolda, pati ang kurtina sa pintuan ng bakuran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.