Exodus 6

Ito ang mga ninuno ng mga sambahayan na nagmula sa lahi ng Israel: Ang mga anak na lalaki ni Ruben, na panganay na anak ni Israel ay sina Hanoc, Falu, Hezron at Carmi. Sila at ang mga pamilya nila ay ang mga angkan na nagmula kay Ruben.

Exodus 6:14 (UKJV) These be the heads of their fathers' houses: The sons of Reuben the firstborn of Israel; Hanoch, and Pallu, Hezron, and Carmi: these be the families of Reuben.

12Ngunit sinabi ni Moises sa Panginoon, “Kung ang mga Israelita nga poʼy hindi nakikinig sa akin, ang Faraon pa kaya? Lalo naʼt hindi ako magaling magsalita!”

13Subalit kinausap ng Panginoon sina Moises at Aaron, at pinagbilinan sila patungkol sa mga Israelita at kay Faraon para ilabas nila ang mga Israelita sa Ehipto.

14Ito ang mga ninuno ng mga sambahayan na nagmula sa lahi ng Israel: Ang mga anak na lalaki ni Ruben, na panganay na anak ni Israel ay sina Hanoc, Falu, Hezron at Carmi. Sila at ang mga pamilya nila ay ang mga angkan na nagmula kay Ruben.

15Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at Saul. (Si Saul ang anak ni Simeon sa isang Cananeo.) Sila at ang mga pamilya nila ay ang mga angkan na nagmula kay Simeon.

16Ang mga anak na lalaki ni Levi ayon sa kasaysayan ng kanyang lahi ay sina Gerson, Kohat at Merari. (Nabuhay si Levi ng 137 taon.)

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.