9Sinabi ni Moises sa Faraon, “Sabihin mo sa akin kung kailan ako mananalangin para sa inyo, sa mga opisyal at sa mga mamamayan mo, upang mawala ang mga palakang ito sa inyo at sa mga bahay ninyo. At ang matitira na lang na palaka ay ang mga nasa Ilog Nilo.”
10Sumagot ang Faraon, “Ipanalangin mo ako bukas.” Sinabi ni Moises, “Matutupad ito ayon sa sinabi nʼyo, upang malaman nʼyo na walang ibang katulad ang Panginoon naming Diyos.
11Mawawala ang lahat ng palaka sa inyong mga bahay at sa bahay ng inyong mga pinamumunuan at sa buong bayan; maliban ang mga nasa Ilog Nilo.”
12Pagkaalis nila Moises at Aaron sa harap ng Faraon, nanalangin si Moises sa Panginoon na alisin na ang mga palaka na ipinadala niya sa Ehipto.
13At ginawa ng Panginoon ang ipinakiusap ni Moises. Namatay ang mga palaka sa mga bahay, mga hardin at sa mga bukid.