11Mawawala ang lahat ng palaka sa inyong mga bahay at sa bahay ng inyong mga pinamumunuan at sa buong bayan; maliban ang mga nasa Ilog Nilo.”
12Pagkaalis nila Moises at Aaron sa harap ng Faraon, nanalangin si Moises sa Panginoon na alisin na ang mga palaka na ipinadala niya sa Ehipto.
13At ginawa ng Panginoon ang ipinakiusap ni Moises. Namatay ang mga palaka sa mga bahay, mga hardin at sa mga bukid.
14Tinipon ito ng mga Ehipsiyo at ibinunton, dahil ditoʼy bumaho ang buong Ehipto.
15Ngunit nang makita ng Faraon na wala na ang mga palaka, nagmatigas na naman siya, at ayaw niyang makinig kina Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.