Exodus 8

Ngunit nang makita ng Faraon na wala na ang mga palaka, nagmatigas na naman siya, at ayaw niyang makinig kina Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.

Exodus 8:15 (UKJV) But when Pharaoh saw that there was respite, he hardened his heart, and hearkened not unto them; as the LORD had said.

13At ginawa ng Panginoon ang ipinakiusap ni Moises. Namatay ang mga palaka sa mga bahay, mga hardin at sa mga bukid.

14Tinipon ito ng mga Ehipsiyo at ibinunton, dahil ditoʼy bumaho ang buong Ehipto.

15Ngunit nang makita ng Faraon na wala na ang mga palaka, nagmatigas na naman siya, at ayaw niyang makinig kina Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.

16Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron na ihampas niya ang kanyang tungkod sa lupa, at magiging lamok ang mga alikabok sa buong lupain ng Ehipto.”

17Sinunod nila ito, kaya nang hampasin ni Aaron ng kanyang tungkod ang lupa, naging lamok ang mga alikabok sa buong lupain ng Ehipto. At dumapo ang mga ito sa mga tao at mga hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.