Exodus 8

Sinunod nila ito, kaya nang hampasin ni Aaron ng kanyang tungkod ang lupa, naging lamok ang mga alikabok sa buong lupain ng Ehipto. At dumapo ang mga ito sa mga tao at mga hayop.

Exodus 8:17 (UKJV) And they did so; for Aaron stretched out his hand with his rod, and stroke the dust of the earth, and it became lice in man, and in beast; all the dust of the land became lice throughout all the land of Egypt.

15Ngunit nang makita ng Faraon na wala na ang mga palaka, nagmatigas na naman siya, at ayaw niyang makinig kina Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.

16Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron na ihampas niya ang kanyang tungkod sa lupa, at magiging lamok ang mga alikabok sa buong lupain ng Ehipto.”

17Sinunod nila ito, kaya nang hampasin ni Aaron ng kanyang tungkod ang lupa, naging lamok ang mga alikabok sa buong lupain ng Ehipto. At dumapo ang mga ito sa mga tao at mga hayop.

18Tinangka rin ng mga salamangkero na gayahin ito sa pamamagitan ng kanilang salamangka pero nabigo sila. Patuloy na nagsidapo ang mga lamok sa mga tao at mga hayop.

19Sinabi ng mga salamangkero sa Faraon, “Ang Diyos ang may gawa nito!” Ngunit matigas pa rin ang puso ng Faraon, at hindi siya nakinig kina Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.