16Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron na ihampas niya ang kanyang tungkod sa lupa, at magiging lamok ang mga alikabok sa buong lupain ng Ehipto.”
17Sinunod nila ito, kaya nang hampasin ni Aaron ng kanyang tungkod ang lupa, naging lamok ang mga alikabok sa buong lupain ng Ehipto. At dumapo ang mga ito sa mga tao at mga hayop.
18Tinangka rin ng mga salamangkero na gayahin ito sa pamamagitan ng kanilang salamangka pero nabigo sila. Patuloy na nagsidapo ang mga lamok sa mga tao at mga hayop.
19Sinabi ng mga salamangkero sa Faraon, “Ang Diyos ang may gawa nito!” Ngunit matigas pa rin ang puso ng Faraon, at hindi siya nakinig kina Moises at Aaron, gaya ng sinabi ng Panginoon.
20Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bumangon ka nang maaga bukas at abangan mo ang Faraon habang papunta siya sa ilog. Sabihin mo sa kanya na ito ang sinasabi ko, ‘Paalisin mo ang aking mga mamamayan upang makasamba sila sa akin.