19Kaya iutos mo ngayon na isilong ang lahat ng hayop mo at ang lahat ng alipin mo na nasa bukid, dahil ang sinumang nasa labas, tao man o hayop ay mamamatay kapag tinamaan ng mga yelong parang bato.’ ”
20Natakot ang ibang mga opisyal ng Faraon sa sinabi ng Panginoon, kaya nagmadali silang isilong ang mga alipin at mga hayop nila.
21Ngunit may ilan na binalewala ang babala ng Panginoon; pinabayaan lang nila ang mga hayop at alipin nila sa labas.
22Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay sa langit upang umulan ng mga yelong parang bato sa buong Ehipto – sa mga tao, mga hayop at sa lahat ng pananim.”
23Kaya itinaas niya ang kanyang tungkod, at nagpadala ang Panginoon ng kulog at mga batong yelo, at tinamaan ng kidlat ang lupa. Pinaulanan ng Panginoon ng mga batong yelo ang lupain ng Ehipto.