Exodus 9

Kaya itinaas niya ang kanyang tungkod, at nagpadala ang Panginoon ng kulog at mga batong yelo, at tinamaan ng kidlat ang lupa. Pinaulanan ng Panginoon ng mga batong yelo ang lupain ng Ehipto.

Exodus 9:23 (UKJV) And Moses stretched forth his rod toward heaven: and the LORD sent thunder and hail, and the fire ran along upon the ground; and the LORD rained hail upon the land of Egypt.

21Ngunit may ilan na binalewala ang babala ng Panginoon; pinabayaan lang nila ang mga hayop at alipin nila sa labas.

22Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay sa langit upang umulan ng mga yelong parang bato sa buong Ehipto – sa mga tao, mga hayop at sa lahat ng pananim.”

23Kaya itinaas niya ang kanyang tungkod, at nagpadala ang Panginoon ng kulog at mga batong yelo, at tinamaan ng kidlat ang lupa. Pinaulanan ng Panginoon ng mga batong yelo ang lupain ng Ehipto.

24Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga batong yelo at sunod-sunod naman ang pagkidlat. Ito ang pinakamatinding ulan ng batong yelo sa lupain ng Ehipto mula nang maging bansa ito.

25Bumagsak ito sa buong Ehipto. Tinamaan nito ang lahat ng tao at hayop na nasa labas, pati na ang lahat ng tanim sa bukid, at binali ang mga punongkahoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.