Exodus 9

Bumagsak ito sa buong Ehipto. Tinamaan nito ang lahat ng tao at hayop na nasa labas, pati na ang lahat ng tanim sa bukid, at binali ang mga punongkahoy.

Exodus 9:25 (UKJV) And the hail stroke throughout all the land of Egypt all that was in the field, both man and beast; and the hail stroke every herb of the field, and brake every tree of the field.

23Kaya itinaas niya ang kanyang tungkod, at nagpadala ang Panginoon ng kulog at mga batong yelo, at tinamaan ng kidlat ang lupa. Pinaulanan ng Panginoon ng mga batong yelo ang lupain ng Ehipto.

24Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga batong yelo at sunod-sunod naman ang pagkidlat. Ito ang pinakamatinding ulan ng batong yelo sa lupain ng Ehipto mula nang maging bansa ito.

25Bumagsak ito sa buong Ehipto. Tinamaan nito ang lahat ng tao at hayop na nasa labas, pati na ang lahat ng tanim sa bukid, at binali ang mga punongkahoy.

26Tanging sa Goshen lang hindi umulan ng yelo kung saan nakatira ang mga Israelita.

27Ipinatawag ng Faraon sila Moises at Aaron. Sinabi niya sa kanila, “Sa pagkakataong ito, inaamin ko na nagkasala ako. Tama ang Panginoon, at ako at ang aking mga mamamayan ang mali.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.