24Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga batong yelo at sunod-sunod naman ang pagkidlat. Ito ang pinakamatinding ulan ng batong yelo sa lupain ng Ehipto mula nang maging bansa ito.
25Bumagsak ito sa buong Ehipto. Tinamaan nito ang lahat ng tao at hayop na nasa labas, pati na ang lahat ng tanim sa bukid, at binali ang mga punongkahoy.
26Tanging sa Goshen lang hindi umulan ng yelo kung saan nakatira ang mga Israelita.
27Ipinatawag ng Faraon sila Moises at Aaron. Sinabi niya sa kanila, “Sa pagkakataong ito, inaamin ko na nagkasala ako. Tama ang Panginoon, at ako at ang aking mga mamamayan ang mali.
28Pakiusapan ninyo ang Panginoon na itigil na niya ang matinding kulog na ito at ang pag-ulan ng yelo. Paaalisin ko na kayo, hindi na kayo dapat pang manatili rito.”