Exodus 9

At kinabukasan ay ginawa nga ng Panginoon ang sinabi niya. Namatay ang lahat ng alagang hayop ng mga Ehipsiyo, pero walang namatay ni isa man lang sa mga alagang hayop ng mga Israelita.

Exodus 9:6 (UKJV) And the LORD did that thing on the next day, and all the cattle of Egypt died: but of the cattle of the children of Israel died not one.

4Hindi magiging pareho ang trato ko sa mga hayop ng mga Israelita at sa mga hayop ng mga Ehipsiyo, at walang mamamatay sa mga hayop ng mga Israelita.’ ”

5Itinakda ng Panginoon ang oras. Sabi niya, “Bukas ko ito gagawin sa lupaing ito.”

6At kinabukasan ay ginawa nga ng Panginoon ang sinabi niya. Namatay ang lahat ng alagang hayop ng mga Ehipsiyo, pero walang namatay ni isa man lang sa mga alagang hayop ng mga Israelita.

7Nagpadala ang Faraon ng mga tao at nalaman niya na walang namatay kahit isa sa mga hayop ng mga Israelita. Ngunit matigas pa rin ang puso niya at hindi pinaalis ang mga Israelita.

8Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Kumuha kayo ng ilang dakot ng abo sa pugon at isasaboy ito ni Moises sa hangin sa harap ng Faraon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.