Exodus 9

Nagpadala ang Faraon ng mga tao at nalaman niya na walang namatay kahit isa sa mga hayop ng mga Israelita. Ngunit matigas pa rin ang puso niya at hindi pinaalis ang mga Israelita.

Exodus 9:7 (UKJV) And Pharaoh sent, and, behold, there was not one of the cattle of the Israelites dead. And the heart of Pharaoh was hardened, and he did not let the people go.

5Itinakda ng Panginoon ang oras. Sabi niya, “Bukas ko ito gagawin sa lupaing ito.”

6At kinabukasan ay ginawa nga ng Panginoon ang sinabi niya. Namatay ang lahat ng alagang hayop ng mga Ehipsiyo, pero walang namatay ni isa man lang sa mga alagang hayop ng mga Israelita.

7Nagpadala ang Faraon ng mga tao at nalaman niya na walang namatay kahit isa sa mga hayop ng mga Israelita. Ngunit matigas pa rin ang puso niya at hindi pinaalis ang mga Israelita.

8Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Kumuha kayo ng ilang dakot ng abo sa pugon at isasaboy ito ni Moises sa hangin sa harap ng Faraon.

9Kakalat ang mga abo sa buong Ehipto, at dahil dito tutubuan ng mga bukol ang katawan ng mga tao at mga hayop.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.