1Sa ikalimang araw ng ikaapat na buwan noong ikatatlumpung taon, habang kasama ako ng mga bihag sa Ilog Kebar, bumukas ang langit at nakita ko ang mga pangitain mula sa Diyos.
2Sa ikalimang buwan, noong ikalimang taon ng pagkabihag ni Haring Jehoyakin,
3nagpahayag ang Panginoon kay Ezekiel, isang pari at anak ni Buzi, sa may pampang ng Ilog Kebar sa lupain ng mga taga-Babilonia. Doon, naramdaman niya ang kapangyarihan ng Panginoon.
4Habang nakatingin ako, may nakita akong bagyong paparating mula sa hilaga. Dala nito ang isang makapal na ulap na may apoy na kumikidlat kaya nagliliwanag ang paligid. Parang nagbabagang metal ang gitna ng apoy.
5Sa gitna ng apoy, may apat na buháy na nilalang at anyong tao sila,