Ezekiel 11

Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito sa inyo: Ang lungsod na ito ay natulad sa kaldero, at ang mga bangkay na inyong kinalat sa lungsod ay ang nagsilbing karne. At kayo naman ay palalayasin ko sa lungsod na ito.

Ezekiel 11:7 (UKJV) Therefore thus says the Lord GOD; Your slain whom all of you have laid in the midst of it, they are the flesh, and this city is the caldron: but I will bring you forth out of the midst of it.

5Pagkatapos, nilukuban ako ng Espiritu ng Panginoon at inutusang sabihin ito: “Ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo mga mamamayan ng Israel: Alam ko kung ano ang sinasabi at iniisip ninyo.

6Marami kayong pinatay sa lungsod na ito at nagkalat ang mga bangkay sa lansangan.

7Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito sa inyo: Ang lungsod na ito ay natulad sa kaldero, at ang mga bangkay na inyong kinalat sa lungsod ay ang nagsilbing karne. At kayo naman ay palalayasin ko sa lungsod na ito.

8Natatakot kayo sa digmaan pero ipapalasap ko ito sa inyo. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

9Palalayasin ko kayo sa lungsod na ito at ipapabihag sa mga dayuhan at uudyukan ko silang parusahan kayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.