Ezekiel 11

Natatakot kayo sa digmaan pero ipapalasap ko ito sa inyo. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

Ezekiel 11:8 (UKJV) All of you have feared the sword; and I will bring a sword upon you, says the Lord GOD.

6Marami kayong pinatay sa lungsod na ito at nagkalat ang mga bangkay sa lansangan.

7Kaya ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito sa inyo: Ang lungsod na ito ay natulad sa kaldero, at ang mga bangkay na inyong kinalat sa lungsod ay ang nagsilbing karne. At kayo naman ay palalayasin ko sa lungsod na ito.

8Natatakot kayo sa digmaan pero ipapalasap ko ito sa inyo. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

9Palalayasin ko kayo sa lungsod na ito at ipapabihag sa mga dayuhan at uudyukan ko silang parusahan kayo.

10Mamamatay kayo sa digmaan at hahatulan ko kayo hanggang sa mga hangganan ng Israel at malalaman ninyong ako ang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.