Ezekiel 16

Pagkatapos, dinamitan kita ng mamahaling tela na pinong lino, seda na may magagandang burda at pinagsuot ng sandalyas na balat.

Ezekiel 16:10 (UKJV) I clothed you also with broidered work, and shod you with badgers' skin, and I girded you about with fine linen, and I covered you with silk.

8“Nang muli akong mapadaan, nakita kong ganap ka nang dalaga. Kaya tinakpan ko ng aking balabal ang kahubaran mo at ipinangakong ikaw ay aking mamahalin. Gumawa ako ng kasunduan sa iyo, at ikaw ay naging akin. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

9“Pinaliguan kita at nilinis ang mga dugo sa katawan mo at pinahiran din kita ng langis.

10Pagkatapos, dinamitan kita ng mamahaling tela na pinong lino, seda na may magagandang burda at pinagsuot ng sandalyas na balat.

11Binigyan kita ng mga alahas: mga pulseras at kuwintas.

12Binigyan din kita ng singsing para sa ilong, hikaw at korona.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.