Ezekiel 16

“Nang muli akong mapadaan, nakita kong ganap ka nang dalaga. Kaya tinakpan ko ng aking balabal ang kahubaran mo at ipinangakong ikaw ay aking mamahalin. Gumawa ako ng kasunduan sa iyo, at ikaw ay naging akin. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

Ezekiel 16:8 (UKJV) Now when I passed by you, and looked upon you, behold, your time was the time of love; and I spread my skirt over you, and covered your nakedness: yea, I swore unto you, and entered into a covenant with you, says the Lord GOD, and you became mine.

6“Ngunit nang mapadaan ako, nakita kitang kumakawag-kawag sa sarili mong dugo at sinabi ko sa iyong mabubuhay ka.

7Pinalaki kita tulad ng isang tanim sa bukirin. Lumaki ka at naging dalaga. Lumaki ang dibdib mo at lumago ang iyong buhok, pero hubad ka pa rin.

8“Nang muli akong mapadaan, nakita kong ganap ka nang dalaga. Kaya tinakpan ko ng aking balabal ang kahubaran mo at ipinangakong ikaw ay aking mamahalin. Gumawa ako ng kasunduan sa iyo, at ikaw ay naging akin. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.

9“Pinaliguan kita at nilinis ang mga dugo sa katawan mo at pinahiran din kita ng langis.

10Pagkatapos, dinamitan kita ng mamahaling tela na pinong lino, seda na may magagandang burda at pinagsuot ng sandalyas na balat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.