Ezekiel 16

“Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing, nakakaawa ka! Maliban sa mga kasamaang ito na ginawa mo,

Ezekiel 16:23 (UKJV) And it came to pass after all your wickedness, (woe, woe unto you! says the LORD GOD;)

21Pinatay mo pa ang mga anak ko at inihandog sa mga diyos-diyosan.

22Sa lahat ng kasuklam-suklam mong gawain at pagpapagamit sa iba ay hindi mo na naisip kung papaano kita inalagaan noong kabataan mo pa, noong hubad ka at kumakawag-kawag sa sarili mong dugo.

23“Ako, ang Makapangyarihang Panginoon ay nagsasabing, nakakaawa ka! Maliban sa mga kasamaang ito na ginawa mo,

24nagtayo ka rin ng sambahan para sa mga diyos-diyosan, doon sa mga plasa

25at kanto ng mga lansangan. Doon, dinumihan mo ang iyong kagandahan at ipinagamit ang sarili mo sa kung kani-kaninong lalaki. Ipinagamit mo nang ipinagamit ang sarili mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.