Ezekiel 16

“Kahit ang Samaria ay hindi nakagawa ng kalahati man lang ng mga kasalanan mo. Mas marami ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa mo kaysa sa kanila. At dahil sa mga ginawa mong ito, itinuring silang mas matuwid kaysa saʼyo.

Ezekiel 16:51 (UKJV) Neither has Samaria committed half of your sins; but you have multiplied yours abominations more than they, and have justified your sisters in all yours abominations which you have done.

49Ang kasalanan ng kapatid mong Sodoma ay pagmamataas. Siya at ang mga anak niyang babae ay sagana sa pagkain at maunlad ang buhay, pero hindi sila tumulong sa mahihirap at mga nangangailangan.

50Sa pagmamataas nila, gumawa sila ng kasuklam-suklam sa paningin ko, kaya pinarusahan ko sila katulad nga ng nakita mo.

51“Kahit ang Samaria ay hindi nakagawa ng kalahati man lang ng mga kasalanan mo. Mas marami ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa mo kaysa sa kanila. At dahil sa mga ginawa mong ito, itinuring silang mas matuwid kaysa saʼyo.

52Pagdusahan mo ang iyong kahihiyan, sapagkat naging dahilan ka na maging matuwid ang iyong mga kapatid. Dapat kang mahiya dahil mas marami kang ginawang kasuklam-suklam na kasalanan kaysa sa mga kapatid mong babae, kaya lumabas pang mas matuwid sila kaysa sa iyo.

53Ngunit darating ang araw na muli kong pauunlarin ang Sodoma at Samaria, pati na ang mga anak nilang babae. At ikaw ay muli kong pauunlarin kasama nila,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.