Ezekiel 16

Ngunit darating ang araw na muli kong pauunlarin ang Sodoma at Samaria, pati na ang mga anak nilang babae. At ikaw ay muli kong pauunlarin kasama nila,

Ezekiel 16:53 (UKJV) When I shall bring again their captivity, the captivity of Sodom and her daughters, and the captivity of Samaria and her daughters, then will I bring again the captivity of your captives in the midst of them:

51“Kahit ang Samaria ay hindi nakagawa ng kalahati man lang ng mga kasalanan mo. Mas marami ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa mo kaysa sa kanila. At dahil sa mga ginawa mong ito, itinuring silang mas matuwid kaysa saʼyo.

52Pagdusahan mo ang iyong kahihiyan, sapagkat naging dahilan ka na maging matuwid ang iyong mga kapatid. Dapat kang mahiya dahil mas marami kang ginawang kasuklam-suklam na kasalanan kaysa sa mga kapatid mong babae, kaya lumabas pang mas matuwid sila kaysa sa iyo.

53Ngunit darating ang araw na muli kong pauunlarin ang Sodoma at Samaria, pati na ang mga anak nilang babae. At ikaw ay muli kong pauunlarin kasama nila,

54upang mapahiya ka sa lahat ng ginawa mo, dahil nagmukha pa silang matuwid kaysa sa iyo.

55Oo, muli kong pauunlarin ang mga kapatid mong babae – ang Sodoma at Samaria, ganoon din ang mga anak nilang babae. Ito rin ang mangyayari sa iyo at sa mga anak mong babae.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.