Ezekiel 16

Pagdusahan mo ang iyong kahihiyan, sapagkat naging dahilan ka na maging matuwid ang iyong mga kapatid. Dapat kang mahiya dahil mas marami kang ginawang kasuklam-suklam na kasalanan kaysa sa mga kapatid mong babae, kaya lumabas pang mas matuwid sila kaysa sa iyo.

Ezekiel 16:52 (UKJV) You also, which have judged your sisters, bear yours own shame for your sins that you have committed more abominable than they: they are more righteous than you: yea, be you confounded also, and bear your shame, in that you have justified your sisters.

50Sa pagmamataas nila, gumawa sila ng kasuklam-suklam sa paningin ko, kaya pinarusahan ko sila katulad nga ng nakita mo.

51“Kahit ang Samaria ay hindi nakagawa ng kalahati man lang ng mga kasalanan mo. Mas marami ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa mo kaysa sa kanila. At dahil sa mga ginawa mong ito, itinuring silang mas matuwid kaysa saʼyo.

52Pagdusahan mo ang iyong kahihiyan, sapagkat naging dahilan ka na maging matuwid ang iyong mga kapatid. Dapat kang mahiya dahil mas marami kang ginawang kasuklam-suklam na kasalanan kaysa sa mga kapatid mong babae, kaya lumabas pang mas matuwid sila kaysa sa iyo.

53Ngunit darating ang araw na muli kong pauunlarin ang Sodoma at Samaria, pati na ang mga anak nilang babae. At ikaw ay muli kong pauunlarin kasama nila,

54upang mapahiya ka sa lahat ng ginawa mo, dahil nagmukha pa silang matuwid kaysa sa iyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.