54upang mapahiya ka sa lahat ng ginawa mo, dahil nagmukha pa silang matuwid kaysa sa iyo.
55Oo, muli kong pauunlarin ang mga kapatid mong babae – ang Sodoma at Samaria, ganoon din ang mga anak nilang babae. Ito rin ang mangyayari sa iyo at sa mga anak mong babae.
56Nilait mo noon ang Sodoma noong ikaw ay nagmamataas pa
57at hindi pa nabubunyag ang iyong kasamaan. Ngunit ngayon, katulad ka na rin niya. Nilalait ka na rin ng mga taga-Aram at ng mga bansa sa palibot niya, pati na ng mga Filisteo. Kinukutya ka ng mga nakapalibot sa iyo.
58Dadanasin mo ang parusa dahil sa iyong kahalayan at kasuklam-suklam na gawain. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”