Ezekiel 16

Dadanasin mo ang parusa dahil sa iyong kahalayan at kasuklam-suklam na gawain. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Ezekiel 16:58 (UKJV) You have borne your lewdness and yours abominations, says the LORD.

56Nilait mo noon ang Sodoma noong ikaw ay nagmamataas pa

57at hindi pa nabubunyag ang iyong kasamaan. Ngunit ngayon, katulad ka na rin niya. Nilalait ka na rin ng mga taga-Aram at ng mga bansa sa palibot niya, pati na ng mga Filisteo. Kinukutya ka ng mga nakapalibot sa iyo.

58Dadanasin mo ang parusa dahil sa iyong kahalayan at kasuklam-suklam na gawain. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

59Ito pa ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon. “Parurusahan kita nang nararapat, dahil binalewala mo ang iyong pangako sa pamamagitan ng pagsira sa kasunduan natin.

60Ngunit tutuparin ko pa rin ang kasunduang ginawa ko sa iyo noong kabataan mo pa at gagawa ako sa iyo ng kasunduan na walang hanggan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.