Ezekiel 16

Ito pa ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon. “Parurusahan kita nang nararapat, dahil binalewala mo ang iyong pangako sa pamamagitan ng pagsira sa kasunduan natin.

Ezekiel 16:59 (UKJV) For thus says the Lord GOD; I will even deal with you as you have done, which have despised the oath in breaking the covenant.

57at hindi pa nabubunyag ang iyong kasamaan. Ngunit ngayon, katulad ka na rin niya. Nilalait ka na rin ng mga taga-Aram at ng mga bansa sa palibot niya, pati na ng mga Filisteo. Kinukutya ka ng mga nakapalibot sa iyo.

58Dadanasin mo ang parusa dahil sa iyong kahalayan at kasuklam-suklam na gawain. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

59Ito pa ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon. “Parurusahan kita nang nararapat, dahil binalewala mo ang iyong pangako sa pamamagitan ng pagsira sa kasunduan natin.

60Ngunit tutuparin ko pa rin ang kasunduang ginawa ko sa iyo noong kabataan mo pa at gagawa ako sa iyo ng kasunduan na walang hanggan.

61Sa gayon, maaalala mo ang mga ginawa mo at mapapahiya ka, lalo na kung gagawin ko ang iyong mga kapatid na babae, ang Samaria at Sodoma, na iyong mga anak, kahit na hindi sila kasama sa kasunduan natin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.