Ezekiel 16

Sa gayon, maaalala mo ang mga ginawa mo at mapapahiya ka, lalo na kung gagawin ko ang iyong mga kapatid na babae, ang Samaria at Sodoma, na iyong mga anak, kahit na hindi sila kasama sa kasunduan natin.

Ezekiel 16:61 (UKJV) Then you shall remember your ways, and be ashamed, when you shall receive your sisters, yours elder and your younger: and I will give them unto you for daughters, but not by your covenant.

59Ito pa ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon. “Parurusahan kita nang nararapat, dahil binalewala mo ang iyong pangako sa pamamagitan ng pagsira sa kasunduan natin.

60Ngunit tutuparin ko pa rin ang kasunduang ginawa ko sa iyo noong kabataan mo pa at gagawa ako sa iyo ng kasunduan na walang hanggan.

61Sa gayon, maaalala mo ang mga ginawa mo at mapapahiya ka, lalo na kung gagawin ko ang iyong mga kapatid na babae, ang Samaria at Sodoma, na iyong mga anak, kahit na hindi sila kasama sa kasunduan natin.

62Patitibayin ko ang kasunduan ko sa iyo, at malalaman mong ako ang Panginoon.

63Maaalala mo ang mga kasalanan mo at mahihiya ka, lalo na kapag pinatawad ko na ang lahat ng ginawa mo, hindi ka na makakapagsalita dahil sa sobrang kahihiyan,” sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.