60Ngunit tutuparin ko pa rin ang kasunduang ginawa ko sa iyo noong kabataan mo pa at gagawa ako sa iyo ng kasunduan na walang hanggan.
61Sa gayon, maaalala mo ang mga ginawa mo at mapapahiya ka, lalo na kung gagawin ko ang iyong mga kapatid na babae, ang Samaria at Sodoma, na iyong mga anak, kahit na hindi sila kasama sa kasunduan natin.
62Patitibayin ko ang kasunduan ko sa iyo, at malalaman mong ako ang Panginoon.
63Maaalala mo ang mga kasalanan mo at mahihiya ka, lalo na kapag pinatawad ko na ang lahat ng ginawa mo, hindi ka na makakapagsalita dahil sa sobrang kahihiyan,” sabi ng Makapangyarihang Panginoon.