8Hindi siya nagpapatubo kapag nagpapahiram ng pera. Hindi rin siya gumagawa ng masama at wala siyang kinakampihan sa kanyang paghatol.
9Sinusunod niyang mabuti ang mga utos koʼt mga tuntunin. Ang taong ganito ay matuwid at patuloy na mabubuhay,” sabi ng Makapangyarihang Panginoon.
10“Ngunit kung may anak siyang lalaki na malupit at mamamatay-tao, o gumagawa ng sumusunod na masasamang gawain
11(na hindi ginawa ng kanyang ama): Kumakain siya sa mga sambahan sa bundok at sumisiping sa asawa ng iba.
12Nang-aapi ng mahihirap at nangangailangan. Nagnanakaw siya. At hindi isinasauli ang isinangla ng mga nangutang sa kanya. Sumasamba sa mga diyos-diyosan, gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay,