Ezekiel 18

Sinusunod niyang mabuti ang mga utos koʼt mga tuntunin. Ang taong ganito ay matuwid at patuloy na mabubuhay,” sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

Ezekiel 18:9 (UKJV) Has walked in my statutes, and has kept my judgments, to deal truly; he is just, he shall surely live, says the Lord GOD.

7Hindi siya nang-aapi at ibinabalik niya ang mga isinangla ng mga nangungutang sa kanya. Hindi siya nagnanakaw bagkus pinapakain niya ang mga nagugutom at binibigyan ng damit ang mga walang damit.

8Hindi siya nagpapatubo kapag nagpapahiram ng pera. Hindi rin siya gumagawa ng masama at wala siyang kinakampihan sa kanyang paghatol.

9Sinusunod niyang mabuti ang mga utos koʼt mga tuntunin. Ang taong ganito ay matuwid at patuloy na mabubuhay,” sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

10“Ngunit kung may anak siyang lalaki na malupit at mamamatay-tao, o gumagawa ng sumusunod na masasamang gawain

11(na hindi ginawa ng kanyang ama): Kumakain siya sa mga sambahan sa bundok at sumisiping sa asawa ng iba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.