Ezekiel 18

Halimbawa, may isang taong matuwid na ginagawa kung ano ang tama.

Ezekiel 18:5 (UKJV) But if a man be just, and do that which is lawful and right,

3“Ako, ang Makapangyarihang Panginoon na buháy, ay sumusumpang hindi nʼyo na babanggitin ang kasabihang ito sa Israel.

4Makinig kayo! Akin ang lahat ng may buhay, maging ang buhay ng mga magulang o buhay ng mga anak. Ang taong nagkasala ang siyang mamamatay.

5Halimbawa, may isang taong matuwid na ginagawa kung ano ang tama.

6Hindi siya sumasamba sa mga diyos-diyosan ng Israel o kumakain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosang ito sa mga sambahan sa mga bundok. Hindi siya sumisiping sa asawa ng iba o sa babaeng may buwanang dalaw.

7Hindi siya nang-aapi at ibinabalik niya ang mga isinangla ng mga nangungutang sa kanya. Hindi siya nagnanakaw bagkus pinapakain niya ang mga nagugutom at binibigyan ng damit ang mga walang damit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.