Ezekiel 18

Hindi siya sumasamba sa mga diyos-diyosan ng Israel o kumakain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosang ito sa mga sambahan sa mga bundok. Hindi siya sumisiping sa asawa ng iba o sa babaeng may buwanang dalaw.

Ezekiel 18:6 (UKJV) And has not eaten upon the mountains, neither has lifted up his eyes to the idols of the house of Israel, neither has defiled his neighbour's wife, neither has come near to a menstruous woman,

4Makinig kayo! Akin ang lahat ng may buhay, maging ang buhay ng mga magulang o buhay ng mga anak. Ang taong nagkasala ang siyang mamamatay.

5Halimbawa, may isang taong matuwid na ginagawa kung ano ang tama.

6Hindi siya sumasamba sa mga diyos-diyosan ng Israel o kumakain ng mga inihandog sa mga diyos-diyosang ito sa mga sambahan sa mga bundok. Hindi siya sumisiping sa asawa ng iba o sa babaeng may buwanang dalaw.

7Hindi siya nang-aapi at ibinabalik niya ang mga isinangla ng mga nangungutang sa kanya. Hindi siya nagnanakaw bagkus pinapakain niya ang mga nagugutom at binibigyan ng damit ang mga walang damit.

8Hindi siya nagpapatubo kapag nagpapahiram ng pera. Hindi rin siya gumagawa ng masama at wala siyang kinakampihan sa kanyang paghatol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.