Ezekiel 2

At ikaw, anak ng tao, huwag kang matakot sa kanila o sa anumang sasabihin nila. Huwag kang matakot kahit na para silang mga halamang matitinik at mga alakdang nakapalibot saʼyo. Huwag mong katakutan ang kanilang salita at huwag kang kilabutan sa mababagsik nilang mukha, sapagkat silaʼy mga rebeldeng mamamayan.

Ezekiel 2:6 (UKJV) And you, son of man, be not afraid of them, neither be afraid of their words, though briers and thorns be with you, and you do dwell among scorpions: be not afraid of their words, nor be dismayed at their looks, though they be a rebellious house.

4Matitigas ang ulo nila at mga lapastangan sila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsusugo sa iyo sa mga taong ito para sabihin ang ipinasasabi ko sa kanila.

5Makinig man ang mga rebeldeng ito o hindi, malalaman naman nila na may propeta pala sa kanila.

6At ikaw, anak ng tao, huwag kang matakot sa kanila o sa anumang sasabihin nila. Huwag kang matakot kahit na para silang mga halamang matitinik at mga alakdang nakapalibot saʼyo. Huwag mong katakutan ang kanilang salita at huwag kang kilabutan sa mababagsik nilang mukha, sapagkat silaʼy mga rebeldeng mamamayan.

7Dapat mong sabihin sa kanila ang ipinasasabi ko sa iyo, makinig man ang mga rebeldeng ito o hindi.

8“Ngunit ikaw, anak ng tao, pakinggan mo ang sinasabi ko sa iyo. Huwag kang magiging rebelde tulad nila. Ibuka mo ang bibig mo at kainin ang ibibigay ko sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.