Ezekiel 2

Matitigas ang ulo nila at mga lapastangan sila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsusugo sa iyo sa mga taong ito para sabihin ang ipinasasabi ko sa kanila.

Ezekiel 2:4 (UKJV) For they are shameless children and stiff hearted. I do send you unto them; and you shall say unto them, Thus says the Lord GOD.

2Habang kinakausap ako ng tinig, pinuspos ako ng kapangyarihan ng Espiritu at itinayo ako. Pinakinggan ko ang tinig na kumakausap sa akin.

3Sinabi niya, “Anak ng tao, isusugo kita sa mga mamamayan ng Israel, ang rebeldeng bansa. Mula pa noong panahon ng kanilang mga ninuno hanggang ngayon ay nagrerebelde sila sa akin.

4Matitigas ang ulo nila at mga lapastangan sila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsusugo sa iyo sa mga taong ito para sabihin ang ipinasasabi ko sa kanila.

5Makinig man ang mga rebeldeng ito o hindi, malalaman naman nila na may propeta pala sa kanila.

6At ikaw, anak ng tao, huwag kang matakot sa kanila o sa anumang sasabihin nila. Huwag kang matakot kahit na para silang mga halamang matitinik at mga alakdang nakapalibot saʼyo. Huwag mong katakutan ang kanilang salita at huwag kang kilabutan sa mababagsik nilang mukha, sapagkat silaʼy mga rebeldeng mamamayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.