Ezekiel 2

Sinabi niya, “Anak ng tao, isusugo kita sa mga mamamayan ng Israel, ang rebeldeng bansa. Mula pa noong panahon ng kanilang mga ninuno hanggang ngayon ay nagrerebelde sila sa akin.

Ezekiel 2:3 (UKJV) And he said unto me, Son of man, I send you to the children of Israel, to a rebellious nation that has rebelled against me: they and their fathers have transgressed against me, even unto this very day.

1Sinabi sa akin ng tinig, “Anak ng tao, tumayo ka dahil may sasabihin ako sa iyo.”

2Habang kinakausap ako ng tinig, pinuspos ako ng kapangyarihan ng Espiritu at itinayo ako. Pinakinggan ko ang tinig na kumakausap sa akin.

3Sinabi niya, “Anak ng tao, isusugo kita sa mga mamamayan ng Israel, ang rebeldeng bansa. Mula pa noong panahon ng kanilang mga ninuno hanggang ngayon ay nagrerebelde sila sa akin.

4Matitigas ang ulo nila at mga lapastangan sila. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsusugo sa iyo sa mga taong ito para sabihin ang ipinasasabi ko sa kanila.

5Makinig man ang mga rebeldeng ito o hindi, malalaman naman nila na may propeta pala sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.