15Manginginig sila sa takot at maraming mamamatay sa kanila. Ilalagay ko ang espada sa pintuan ng kanilang lungsod upang silaʼy patayin. Kumikislap ito na parang kidlat at handang pumatay.
16O espada, tumaga ka sa kaliwa at sa kanan. Tumaga ka kahit saan ka humarap.
17Isusuntok ko rin ang aking kamao sa aking palad, nang sa gayoʼy mapawi ang galit ko. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
18Sinabi sa akin ng Panginoon:
19“Anak ng tao, gumawa ka ng mapa at iguhit mo ang dalawang daan sa mapa na siyang dadaanan ng hari ng Babilonia na may dalang espada. Ang daang iguguhit mo ay magsisimula sa Babilonia. Maglagay ka ng karatula sa kanto ng magkasangang dalawang daan patungo sa lungsod.