24“Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: ‘Ang inyong kasalanan ay nahayag at ipinakita ninyo ang inyong pagiging rebelde at makasalanan. At dahil sa ginagawa ninyong ito, ipapabihag ko kayo.
25“ ‘Ikaw na masama at makasalanang pinuno ng Israel, dumating na rin ang oras ng pagpaparusa sa iyo.
26Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Alisin mo ang turban at korona mo dahil ngayon, magbabago na ang lahat. Ang mga hamak ay magiging makapangyarihan at ang mga makapangyarihan ay magiging hamak.
27Wawasakin ko ang Jerusalem! Hindi ito maitatayong muli hanggang sa dumating ang pinili ko na maging hukom nito. Sa kanya ko ito ipagkakatiwala.’
28“At ikaw anak ng tao, sabihin mo sa mga Amonita na humahamak sa mga taga-Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito sa kanila: ‘Ang espada ay handa nang pumatay, hinugot na ito para pumaslang. Pinakintab ko na ito at kumikislap na parang kidlat.