Ezekiel 21

“At ikaw anak ng tao, sabihin mo sa mga Amonita na humahamak sa mga taga-Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito sa kanila: ‘Ang espada ay handa nang pumatay, hinugot na ito para pumaslang. Pinakintab ko na ito at kumikislap na parang kidlat.

Ezekiel 21:28 (UKJV) And you, son of man, prophesy and say, Thus says the Lord GOD concerning the Ammonites, and concerning their reproach; even say you, The sword, the sword is drawn: for the slaughter it is furbished, to consume because of the glittering:

26Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Alisin mo ang turban at korona mo dahil ngayon, magbabago na ang lahat. Ang mga hamak ay magiging makapangyarihan at ang mga makapangyarihan ay magiging hamak.

27Wawasakin ko ang Jerusalem! Hindi ito maitatayong muli hanggang sa dumating ang pinili ko na maging hukom nito. Sa kanya ko ito ipagkakatiwala.’

28“At ikaw anak ng tao, sabihin mo sa mga Amonita na humahamak sa mga taga-Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito sa kanila: ‘Ang espada ay handa nang pumatay, hinugot na ito para pumaslang. Pinakintab ko na ito at kumikislap na parang kidlat.

29Hindi totoo ang pangitain nila tungkol sa espada. Ang totoo, handang-handa na ang espada sa pagputol ng leeg ng mga taong masama. Dumating na ang oras ng kaparusahan nila.

30“ ‘Ibabalik ko kaya ang espada sa lalagyan nito nang hindi ko kayo napaparusahan? Hindi! Parurusahan ko kayo sa sarili ninyong bansa, sa lugar na kung saan kayo ipinanganak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.