Ezekiel 21

“ ‘Ibabalik ko kaya ang espada sa lalagyan nito nang hindi ko kayo napaparusahan? Hindi! Parurusahan ko kayo sa sarili ninyong bansa, sa lugar na kung saan kayo ipinanganak.

Ezekiel 21:30 (UKJV) Shall I cause it to return into his sheath? I will judge you in the place where you were created, in the land of your nativity.

28“At ikaw anak ng tao, sabihin mo sa mga Amonita na humahamak sa mga taga-Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito sa kanila: ‘Ang espada ay handa nang pumatay, hinugot na ito para pumaslang. Pinakintab ko na ito at kumikislap na parang kidlat.

29Hindi totoo ang pangitain nila tungkol sa espada. Ang totoo, handang-handa na ang espada sa pagputol ng leeg ng mga taong masama. Dumating na ang oras ng kaparusahan nila.

30“ ‘Ibabalik ko kaya ang espada sa lalagyan nito nang hindi ko kayo napaparusahan? Hindi! Parurusahan ko kayo sa sarili ninyong bansa, sa lugar na kung saan kayo ipinanganak.

31Ibubuhos ko sa inyo ang matindi kong galit at ibibigay ko kayo sa malulupit na mga tao na bihasang pumatay.

32Magiging panggatong kayo sa apoy, at ang inyong mga dugo ay dadanak sa inyong lupa at hindi na kayo maaalala pa. Sapagkat ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.