Ezekiel 21

Hindi totoo ang pangitain nila tungkol sa espada. Ang totoo, handang-handa na ang espada sa pagputol ng leeg ng mga taong masama. Dumating na ang oras ng kaparusahan nila.

Ezekiel 21:29 (UKJV) While they see vanity unto you, while they divine a lie unto you, to bring you upon the necks of them that are slain, of the wicked, whose day has come, when their iniquity shall have an end.

27Wawasakin ko ang Jerusalem! Hindi ito maitatayong muli hanggang sa dumating ang pinili ko na maging hukom nito. Sa kanya ko ito ipagkakatiwala.’

28“At ikaw anak ng tao, sabihin mo sa mga Amonita na humahamak sa mga taga-Israel na ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito sa kanila: ‘Ang espada ay handa nang pumatay, hinugot na ito para pumaslang. Pinakintab ko na ito at kumikislap na parang kidlat.

29Hindi totoo ang pangitain nila tungkol sa espada. Ang totoo, handang-handa na ang espada sa pagputol ng leeg ng mga taong masama. Dumating na ang oras ng kaparusahan nila.

30“ ‘Ibabalik ko kaya ang espada sa lalagyan nito nang hindi ko kayo napaparusahan? Hindi! Parurusahan ko kayo sa sarili ninyong bansa, sa lugar na kung saan kayo ipinanganak.

31Ibubuhos ko sa inyo ang matindi kong galit at ibibigay ko kayo sa malulupit na mga tao na bihasang pumatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.