Ezekiel 21

Ibubuhos ko sa inyo ang matindi kong galit at ibibigay ko kayo sa malulupit na mga tao na bihasang pumatay.

Ezekiel 21:31 (UKJV) And I will pour out mine indignation upon you, I will blow against you in the fire of my wrath, and deliver you into the hand of brutish men, and skilful to destroy.

29Hindi totoo ang pangitain nila tungkol sa espada. Ang totoo, handang-handa na ang espada sa pagputol ng leeg ng mga taong masama. Dumating na ang oras ng kaparusahan nila.

30“ ‘Ibabalik ko kaya ang espada sa lalagyan nito nang hindi ko kayo napaparusahan? Hindi! Parurusahan ko kayo sa sarili ninyong bansa, sa lugar na kung saan kayo ipinanganak.

31Ibubuhos ko sa inyo ang matindi kong galit at ibibigay ko kayo sa malulupit na mga tao na bihasang pumatay.

32Magiging panggatong kayo sa apoy, at ang inyong mga dugo ay dadanak sa inyong lupa at hindi na kayo maaalala pa. Sapagkat ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.