Ezekiel 21

Sinabi pa ng Panginoon sa akin,

Ezekiel 21:8 (UKJV) Again the word of the LORD came unto me, saying,

6“Kaya anak ng tao, umiyak ka nang may pagdaramdam at kapaitan. Iparinig sa kanila ang pag-iyak mo.

7Kapag tinanong ka nila kung bakit ka umiiyak, sabihin mong dahil sa balitang lubhang nakakatakot, nakakapanghina, nakakayanig at nakakahimatay. Hindi magtatagal at mangyayari ito, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.”

8Sinabi pa ng Panginoon sa akin,

9“Anak ng tao, sabihin mo ang ipinasasabi ko sa mga tao. Sabihin mo, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Hinasa ko na ang aking espada upang kayoʼy patayin.

10Pinakintab ko ito nang husto upang kuminang na parang kidlat. “ ‘Ngayon, matutuwa pa ba kayo? Kukutyain pa ba ninyo ang mga turo at pagdidisiplina ko sa inyo?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.