Ezekiel 21

“Anak ng tao, sabihin mo ang ipinasasabi ko sa mga tao. Sabihin mo, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Hinasa ko na ang aking espada upang kayoʼy patayin.

Ezekiel 21:9 (UKJV) Son of man, prophesy, and say, Thus says the LORD; Say, A sword, a sword is sharpened, and also furbished:

7Kapag tinanong ka nila kung bakit ka umiiyak, sabihin mong dahil sa balitang lubhang nakakatakot, nakakapanghina, nakakayanig at nakakahimatay. Hindi magtatagal at mangyayari ito, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.”

8Sinabi pa ng Panginoon sa akin,

9“Anak ng tao, sabihin mo ang ipinasasabi ko sa mga tao. Sabihin mo, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon: Hinasa ko na ang aking espada upang kayoʼy patayin.

10Pinakintab ko ito nang husto upang kuminang na parang kidlat. “ ‘Ngayon, matutuwa pa ba kayo? Kukutyain pa ba ninyo ang mga turo at pagdidisiplina ko sa inyo?

11Hinasa ko naʼt pinakintab ang espada, at nakahanda na itong gamitin sa pagpatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.