Ezekiel 23

Makikisig ang mga ito at nasa kasibulan ng kabataan. Matataas ang katungkulan ng mga ito, mga gobernador at mga kumander na nakadamit ng kulay asul at nakasakay sa kabayo.

Ezekiel 23:6 (UKJV) Which were clothed with blue, captains and rulers, all of them desirable young men, horsemen riding upon horses.

4Si Ohola ang panganay at ang bunso naman ay si Oholiba. Naging asawa ko ang dalawang ito at nagkaroon kami ng mga anak. Si Ohola ay ang Samaria at si Oholiba naman ay ang Jerusalem.

5“Kahit na asawa ko na si Ohola, patuloy pa rin siyang nagpapagamit sa iba bilang babaeng bayaran at nahumaling siya sa mga mangingibig niyang sundalo ng Asiria.

6Makikisig ang mga ito at nasa kasibulan ng kabataan. Matataas ang katungkulan ng mga ito, mga gobernador at mga kumander na nakadamit ng kulay asul at nakasakay sa kabayo.

7Nagpagamit si Ohola sa lahat ng opisyal ng Asiria, at dinungisan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa kanilang mga diyos-diyosan.

8Hindi niya itinigil ang mahahalay niyang gawain na sinimulan niya noong nasa Ehipto pa siya. Bata pa lang siya, nakiapid na siya at ang mga lalaki ay nagpasasa sa katawan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.