Ezekiel 23

Nagpagamit si Ohola sa lahat ng opisyal ng Asiria, at dinungisan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa kanilang mga diyos-diyosan.

Ezekiel 23:7 (UKJV) Thus she committed her whoredoms with them, with all them that were the chosen men of Assyria, and with all on whom she doted: with all their idols she defiled herself.

5“Kahit na asawa ko na si Ohola, patuloy pa rin siyang nagpapagamit sa iba bilang babaeng bayaran at nahumaling siya sa mga mangingibig niyang sundalo ng Asiria.

6Makikisig ang mga ito at nasa kasibulan ng kabataan. Matataas ang katungkulan ng mga ito, mga gobernador at mga kumander na nakadamit ng kulay asul at nakasakay sa kabayo.

7Nagpagamit si Ohola sa lahat ng opisyal ng Asiria, at dinungisan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa kanilang mga diyos-diyosan.

8Hindi niya itinigil ang mahahalay niyang gawain na sinimulan niya noong nasa Ehipto pa siya. Bata pa lang siya, nakiapid na siya at ang mga lalaki ay nagpasasa sa katawan niya.

9“Kaya, pinabayaan ko na siya sa mga mangingibig niyang taga-Asiria na kinahuhumalingan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.