Ezekiel 24

Maaari kang magbuntong-hininga pero huwag mong ipapakita ang kalungkutan mo. Huwag mong alisin ang turban mo at sandalyas. Huwag mong tatakpan ang iyong mukha para ipakitang ikaʼy nagluluksa. Huwag ka ring kumain ng pagkaing ibinibigay para sa namatayan.”

Ezekiel 24:17 (UKJV) Forbear to cry, make no mourning for the dead, bind the head decoration of yours head upon you, and put on your shoes upon your feet, and cover not your lips, and eat not the bread of men.

15Sinabi sa akin ng Panginoon:

16“Anak ng tao, sa isang iglap ng salot ay kukunin ko ang babaeng pinakamamahal mo. Ngunit huwag mo siyang ipagluluksa ni iiyakan.

17Maaari kang magbuntong-hininga pero huwag mong ipapakita ang kalungkutan mo. Huwag mong alisin ang turban mo at sandalyas. Huwag mong tatakpan ang iyong mukha para ipakitang ikaʼy nagluluksa. Huwag ka ring kumain ng pagkaing ibinibigay para sa namatayan.”

18Kinaumagahan, sinabi ko ito sa mga tao, at kinagabihan din ay namatay ang asawa ko. Nang sumunod na umaga, sinunod ko ang iniutos sa akin ng Panginoon.

19Tinanong ako ng mga tao, “Ano ang gusto mong sabihin sa ginagawa mong iyan?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.