Ezekiel 24

Sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel, ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Nakahanda na akong dungisan ang aking Templo na siyang sagisag ng ipinagmamalaki ninyong kapangyarihan, ang inyong kaligayahan at pinakamamahal. Mamamatay sa digmaan ang mga anak ninyong naiwan sa Jerusalem.

Ezekiel 24:21 (UKJV) Speak unto the house of Israel, Thus says the Lord GOD; Behold, I will profane my sanctuary, the excellency of your strength, the desire of your eyes, and that which your soul pities; and your sons and your daughters whom all of you have left shall fall by the sword.

19Tinanong ako ng mga tao, “Ano ang gusto mong sabihin sa ginagawa mong iyan?”

20Sinabi ko sa kanila, “Sinabi sa akin ng Makapangyarihang Panginoon:

21Sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel, ‘Ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Nakahanda na akong dungisan ang aking Templo na siyang sagisag ng ipinagmamalaki ninyong kapangyarihan, ang inyong kaligayahan at pinakamamahal. Mamamatay sa digmaan ang mga anak ninyong naiwan sa Jerusalem.

22At gagawin ninyo ang ginawa ni Ezekiel. Hindi ninyo tatakpan ang inyong mukha at hindi kayo kakain ng pagkaing ibinibigay sa namatayan.

23Hindi nʼyo rin aalisin ang mga turban ninyo at sandalyas. Hindi kayo magluluksa o iiyak man. Manghihina kayo dahil sa mga kasalanan ninyo at magsisidaing sa isaʼt isa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.