4ipapasakop ko kayo sa mga tao sa silangan at magiging pagmamay-ari nila kayo. Magkakampo sila sa inyo, at kakainin nila ang inyong mga prutas at iinumin ang inyong gatas.
5Gagawin kong pastulan ng mga kamelyo ang lungsod ng Rabba, at ang buong Amon ay gagawin kong pastulan ng mga tupa. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.
6Sapagkat ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Dahil pumalakpak kayo at lumundag sa tuwa sa pagkutya sa Israel,
7parurusahan ko kayo. Ipapaubaya ko kayo sa ibang bansa upang kunin ang mga ari-arian ninyo. Lilipulin ko kayo at uubusin hanggang wala nang matira sa inyo, at malalaman ninyong ako ang Panginoon.’ ”
8Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Ang Moab, na tinatawag ding Seir ay nagsasabing ang Juda ay katulad lang din ng ibang bansa.