Ezekiel 25

Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Ang Moab, na tinatawag ding Seir ay nagsasabing ang Juda ay katulad lang din ng ibang bansa.

Ezekiel 25:8 (UKJV) Thus says the Lord GOD; Because that Moab and Seir do say, Behold, the house of Judah is like unto all the heathen;

6Sapagkat ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Dahil pumalakpak kayo at lumundag sa tuwa sa pagkutya sa Israel,

7parurusahan ko kayo. Ipapaubaya ko kayo sa ibang bansa upang kunin ang mga ari-arian ninyo. Lilipulin ko kayo at uubusin hanggang wala nang matira sa inyo, at malalaman ninyong ako ang Panginoon.’ ”

8Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Ang Moab, na tinatawag ding Seir ay nagsasabing ang Juda ay katulad lang din ng ibang bansa.

9Kaya ipapalusob ko ang mga bayan sa mga hangganan ng Moab, kasama ang ipinagmamalaki nilang bayan ng Bet-jeshimot, Baal-meon at Kiryataim.

10Ipapasakop ko ang mga ito sa mga tao sa silangan at aariin din silang katulad ng mga Amonita. At ang Amon ay hindi na maituturing na isang bansa, ganoon din ang Moab.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.