Ezekiel 25

parurusahan ko kayo. Ipapaubaya ko kayo sa ibang bansa upang kunin ang mga ari-arian ninyo. Lilipulin ko kayo at uubusin hanggang wala nang matira sa inyo, at malalaman ninyong ako ang Panginoon.’ ”

Ezekiel 25:7 (UKJV) Behold, therefore I will stretch out mine hand upon you, and will deliver you for a spoil to the heathen; and I will cut you off from the people, and I will cause you to perish out of the countries: I will destroy you; and you shall know that I am the LORD.

5Gagawin kong pastulan ng mga kamelyo ang lungsod ng Rabba, at ang buong Amon ay gagawin kong pastulan ng mga tupa. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.

6Sapagkat ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Dahil pumalakpak kayo at lumundag sa tuwa sa pagkutya sa Israel,

7parurusahan ko kayo. Ipapaubaya ko kayo sa ibang bansa upang kunin ang mga ari-arian ninyo. Lilipulin ko kayo at uubusin hanggang wala nang matira sa inyo, at malalaman ninyong ako ang Panginoon.’ ”

8Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Ang Moab, na tinatawag ding Seir ay nagsasabing ang Juda ay katulad lang din ng ibang bansa.

9Kaya ipapalusob ko ang mga bayan sa mga hangganan ng Moab, kasama ang ipinagmamalaki nilang bayan ng Bet-jeshimot, Baal-meon at Kiryataim.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.