7parurusahan ko kayo. Ipapaubaya ko kayo sa ibang bansa upang kunin ang mga ari-arian ninyo. Lilipulin ko kayo at uubusin hanggang wala nang matira sa inyo, at malalaman ninyong ako ang Panginoon.’ ”
8Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Ang Moab, na tinatawag ding Seir ay nagsasabing ang Juda ay katulad lang din ng ibang bansa.
9Kaya ipapalusob ko ang mga bayan sa mga hangganan ng Moab, kasama ang ipinagmamalaki nilang bayan ng Bet-jeshimot, Baal-meon at Kiryataim.
10Ipapasakop ko ang mga ito sa mga tao sa silangan at aariin din silang katulad ng mga Amonita. At ang Amon ay hindi na maituturing na isang bansa, ganoon din ang Moab.
11Parurusahan ko ang Moab, at malalaman nila na ako ang Panginoon.”